Abot-Kamay - Chloe Sofia A. Bengco

Abot-Kamay

By Chloe Sofia A. Bengco

  • Release Date: 2020-10-22
  • Genre: Self-Improvement

Description

Ang librong ito ay pinamagatang Abot-Kamay. Ang Abot-Kamay ay ang pagturo at pagtulong sa kapwang nangangailangan. Sila ang mga taong dapat gabayan at palakasin sa oras ng mga problema o kagipitan. Hindi lamang pagbibigay ng donasyon ang ginagawa namin para sa kanila, kundi pagphahatid rin sa kanila ng salita ng Diyos. Ito ay ang pagbibigay sa kanila ng mga pangangailan na hindi lamang para sa pisikal kundi pang spirituwal rin. Sabi nga sa Bibliya, hindi lamang pam-pisikal na pagkain ang dapat natin pinapansin, kundi pati na rin ang para sa puso at isip natin na makakapagligtas at tutulong sa atin.
Nilalaman ng librong ito ang pagturo namin sa mga bata. Ito ay ginagawa sa Washington Drive, Albay, Legazpi City. Tinuturuan namin sila tuwing Linggo ng hapon tungkol sa salita ng Diyos. Ang aklat na ito ay para na rin sa mga batang tinuturuan namin at nangangarap sa kanilang mga buhay. Sila ay mga anak ng Diyos na magpapakilala sa pamamagitan ng aklat na ito. Ibabahagi at matutunghayan ang mga makukulay nilang kwento simula nang makilala nila ang Panginoon.